Saturday, August 11, 2012

e kasi..

Namimiss ko na ang laging may nag.aalala saken.. na laging may nag.gu-good morning, good night sayo.. na laging may nagsasabi na "kumain ka na ha?".. na laging may nagagalit pag nagiging pasaway ako.. na laging nagpapatawa sayo kahit na OA ang jokes nya, na corny ang banat nya.. yung nagagalit siya kasi kinukulit ko sya lalo na pag bad mood siya taz biglang sasabihin sayo "buti na lang anjan ka, wag mo kong iiwan ha?".. malas lang kasi kahit ayokong iwan sya, sya na din mismo ang gumawa ng dahilan para iwan nga siya..

Namimiss ko na yung may nagsasabi na miss niya ako kahit magkausap lang kami ilang oras na nakalilipas.. at lalo na yung "ILOVEYOU" sa bawat text niya.. na tuwing tumatawag siya/ikaw e hindi niya nakakalimutan sabihan ka nun :(

Nakakamiss na sobra :((

Friday, August 10, 2012

now, BACK TO BLOGGING :)

Dahil tapos na ang bakasyon ko and nakauwi na ang aking mga mahal na Tita, Tito at mga pinsan, eto na ulet ako ngayon sa Blog World. Babalik na ulit ako sa aking dating buhay. Madaming thoughts na naman, pero wala na naman akong words. Sana may printer na lang utak ko, para lahat ng mga thoughts ko ipiprint ko na lang :|

Wednesday, August 1, 2012

Vacation is over :(

Well, masaya din naman ang naging bakasyon ko. 1 week sa Puerto Galera, 1 week sa Boracay. Masaya, inuman sa gabi, gala sa umaga. Pero parang di pa din e.. ewan ko ba..