Thursday, June 21, 2012

NAKAKAMISS :(

While I'm on my way to my dear school, bigla ko naalala yung times na isa pa akong college student. Yung pumapasok ako ng late (yeah, lagi akong late kahit tanghali ang time ko :D), yung minsang pagiging pasimuno ng ingay sa klase, yung kulitin ang mga instructor para lang maaga mag.dismiss o kaya wag magklase, yung aalis ka sa klase dahil bored ka at babalik na lang pag malapit na mag.time .. at madami pang kalokohan .. NAKAKAMISS! 


And syempre, ang mas nakakamiss talaga is yung mga kaibigan mo sa school :(


Sobrang nakakamiss ang makasama sila, yung mga kulitan, tawanan na parang wala ng kinabukasan, mga asaran, mga tampuhan na agad din naman naaayos na lalo din nagpapatibay ng samahan..


Kung pe-pwede lang sana na hindi na umalis sa school para lagi mo silang nakakasama.. kaso, ganun talaga ang buhay, kelangan maghiwa-hiwalay para mas lalong mag-grow ang bawat isa..


Mananatili na lang ala-ala lahat ng yun.. minsan, paiiyakin ka.. minsan naman, papatawanin ka.. hangga't hindi ka nagkaka'amnesia siguro o namamatay, hinding hindi mo ito makakalimutan..

Monday, June 18, 2012

BITTERNESS


Bitter. Yan ang tawag sa mga taong hindi pa daw nakakapag-move on after the heart break. Yung mga taong galit sa ex nila. Yung mga taong insecure sa pinalit sa kanila ng mga mahal nila.


Madaming nasasabi ang ibang tao sa mga bitter persons. At masama pa nito, nasasabihan naten sila ng mga negative pero hindi naten alam ang nararanasan nila, ang nararamdaman nila.



Bakit nga ba naging bitter sila? isa lang ang sagot dun, sobra silang nasaktan. Nagmahal lang naman sila pero ang pinalit dun e sakit. Sakit na kailanman e hindi matatanggal ng sorry. Hindi din naten sila masisisi na ganun sila. Kahit ikaw, pag nasaktan ka kung ano-ano na din sinasabi mo tungkol sa nakasakit sayo, nagiging bitter ka na din.


Well, this post sounds bitter too, right? YES. Bitter din kasi ang author.


Sabi nga nila, "Di mo malalaman na nagmamahal ka kung hindi ka nasasaktan."  Ano yun? lagi ka na lang masasaktan para lang malaman mo na mahal mo siya? E siya kaya, nasaktan na din ba siya? Nagmahal na din ba siya? Kung oo man ang sagot, baket nakukuha pa din niyang makasakit? dun pa sa taong mahal siya.




Okay lang maging bitter lalo at fresh pa ang sugat sa puso mo. Nagiging masama lang toh kung ginawa mo ng hobby yun at hinayaan mong lamunin ng kapaitan ang puso mo.


Mawawala din yan pait. Mali din naman yung hahayaan mo na ang oras ang gumawa nun para sayo. Tulungan mo din ang sarili mo.

Thursday, June 14, 2012

weeeee!

Finally!!!! may naisip na akong idea for my new short story (this is not the first time i'll write a short story kasi) pero hindi ko pa din ito nasisimulan. Ewan ko, tinatamad pa ata ako? or sadyang hindi pa din ganun kaayos magfunction ang utak ko ngayon. Once matapos ko naman yung story kong yun i'll post it here. :D

Wednesday, June 13, 2012

MASAYA AKO!!!

Yes! I'm so happy! I'm going to be a student, again. Nakakatakot lang, na nakakakaba. Hindi ko kasi alam ang dapat kong gawin.. pero I know magiging ok din lahat.. and after this, hopefully, MOSHI MOSHI JAPAN! haha! Thank you Lord, for this wonderful life! :)

Monday, June 11, 2012

New Hair Style, New Life [hopefully!]

Kapag ang isang babae daw e nag-momove on, isa sa mga unang ginagawa nila is pagupitan o ibahin ang style ng buhok nila. Well, ako ganun. T'wing gusto kong makalimot, ang walang malay kong buhok ang napapagtripan ko. Now, from straight hair to curly hair. Yes, maiba naman nga, hehe. Sayang lang di ko  maipost ang picture ko, haha! kainis naman, hindi ko alam bat hindi makapag.insert ng picture dito :(

Wanna Get Out Of Here :(

Ang hirap naman ng ganito.. kelan lang masaya ka na, na hindi mo na sya naaalala.. pero bat dumadating pa din yung times na  tulad ngayon, miss na miss mo sya :( ayoko na :( gusto ko na sumaya.. bat nagkakaganto pa :( kelan ba ulet ako sasaya? yung hindi pilit, yung hindi ko kelangan magpanggap, yung dating saya ni Stella :(

Sunday, June 10, 2012

WHY????!

Bakit di ako makapag insert ng picture!?? grrr.

I Need More IDEAS!!!!

Sinisipag akong mag-gawa ng story! pero wala akong ideas :| ang hirap pag ganun.. isa akong frustrated writer e, pero bat ganto?! walang ideas!!!!!!

Saturday, June 9, 2012

Thanks to you, Music

Music can heal even the deepest wound. Kung wala kang karamay, andyan lang si Music.. Oo, lagi ka niyang naiintindihan. Minsan pa nga nagiging interpreter mo siya sa times na hindi mo malabas o masabi yung gustong gusto mong sabihin. Kung emo ang trip mo, emo din si music. kung masaya ka, masaya din sya.

Just Once..

I did my best but I guess my best 
wasn't good enough
'Cause here we are back where we were before
Seems nothing ever changes

We're back to being strangers
Wondering if we oughta stay or head on out the door..


*~~~~*~~~~*~~~~*~~~~*


I guess I'm giving too much effort yet nothing happened. Nakikipag-usap ako para umayos pero wala, ikaw pa tumataboy saken. You once said na mag-usap tayo pag hindi ka na busy.. kelan kaya yun? kung kelan okay na ako? Sana soon.. no, very soon.. yung mahal pa kita and gusto mo pa, baka pumayag ako.


Pero kung magtatagal pa.. at OKAY NA AKO, ay naku, wala na..

Chasing Pavements..



Should I give up or should I just keep chasing pavements
Even if it leads nowhere?
Or would it be a waste even if I knew my place
Should I leave it there?
Should I give up or should I just keep chasing pavements
Even if it leads nowhere?


*~~~~*~~~~*~~~~*~~~~*~~~~*

Should I give up again or should I still hold on even if hindi ko alam kung dapat ba? Ang hirap kasi. Sabi nya, miss niya ako.. sabi niya mahal niya ako.. pero bakit ganun? parang wala lang sa kanya yun. Parang hanggang salita na lang talaga siya? Mahirap gumawa ng decision kung hindi mo alam kung anu din ba ang decision niya. Yun bang wala kayong maayos na usapan?

Nasaan na yung sinasabi niyang 'di ko kayang mawala ka.'
Yung 'Forever and ever.'
Yung 'di na kita papakawalan.'
Yung 'Ikaw lang, wala ng iba.'
Yung mga PROMISES at PLANS para sa future..

Mawawala na naman ba yun? 

Monday, June 4, 2012

I'm Back!

This is really a surprise. Yes, bigla ko na lang kasing naisipan na magsulat ulet dito sa blog ko. Ewan ko ba, siguro dahil lang din sa depression at stress na nangyayare saken ngaun.. So, naisip kong kesa naman sa magmukmok at mag-isip ako ng mag-isip which is bad for me, isusulat ko na lang. Mas ok na siguro yun, nakakagaan din naman sa pakiramdam pag nailalabas mo yung hurt na nararamdaman diba. Sana nga tuloy tuloy na tong update ko dito, inaamag na ata tong blog ko. haha! Anyways, it's so nice to be back :)