While I'm on my way to my dear school, bigla ko naalala yung times na isa pa akong college student. Yung pumapasok ako ng late (yeah, lagi akong late kahit tanghali ang time ko :D), yung minsang pagiging pasimuno ng ingay sa klase, yung kulitin ang mga instructor para lang maaga mag.dismiss o kaya wag magklase, yung aalis ka sa klase dahil bored ka at babalik na lang pag malapit na mag.time .. at madami pang kalokohan .. NAKAKAMISS!
And syempre, ang mas nakakamiss talaga is yung mga kaibigan mo sa school :(
Sobrang nakakamiss ang makasama sila, yung mga kulitan, tawanan na parang wala ng kinabukasan, mga asaran, mga tampuhan na agad din naman naaayos na lalo din nagpapatibay ng samahan..
Kung pe-pwede lang sana na hindi na umalis sa school para lagi mo silang nakakasama.. kaso, ganun talaga ang buhay, kelangan maghiwa-hiwalay para mas lalong mag-grow ang bawat isa..
Mananatili na lang ala-ala lahat ng yun.. minsan, paiiyakin ka.. minsan naman, papatawanin ka.. hangga't hindi ka nagkaka'amnesia siguro o namamatay, hinding hindi mo ito makakalimutan..
No comments:
Post a Comment