Monday, June 18, 2012

BITTERNESS


Bitter. Yan ang tawag sa mga taong hindi pa daw nakakapag-move on after the heart break. Yung mga taong galit sa ex nila. Yung mga taong insecure sa pinalit sa kanila ng mga mahal nila.


Madaming nasasabi ang ibang tao sa mga bitter persons. At masama pa nito, nasasabihan naten sila ng mga negative pero hindi naten alam ang nararanasan nila, ang nararamdaman nila.



Bakit nga ba naging bitter sila? isa lang ang sagot dun, sobra silang nasaktan. Nagmahal lang naman sila pero ang pinalit dun e sakit. Sakit na kailanman e hindi matatanggal ng sorry. Hindi din naten sila masisisi na ganun sila. Kahit ikaw, pag nasaktan ka kung ano-ano na din sinasabi mo tungkol sa nakasakit sayo, nagiging bitter ka na din.


Well, this post sounds bitter too, right? YES. Bitter din kasi ang author.


Sabi nga nila, "Di mo malalaman na nagmamahal ka kung hindi ka nasasaktan."  Ano yun? lagi ka na lang masasaktan para lang malaman mo na mahal mo siya? E siya kaya, nasaktan na din ba siya? Nagmahal na din ba siya? Kung oo man ang sagot, baket nakukuha pa din niyang makasakit? dun pa sa taong mahal siya.




Okay lang maging bitter lalo at fresh pa ang sugat sa puso mo. Nagiging masama lang toh kung ginawa mo ng hobby yun at hinayaan mong lamunin ng kapaitan ang puso mo.


Mawawala din yan pait. Mali din naman yung hahayaan mo na ang oras ang gumawa nun para sayo. Tulungan mo din ang sarili mo.

No comments:

Post a Comment