Monday, July 9, 2012

Happy or Sad?

This past few days, nahihilig akong magbasa ng mga stories sa Wattpad. Yung mga one shots stories lang kasi ayoko ng matagal basahin at yung hindi pa tapos, nakakabitin kasi. HAHA! Anyways, based on my opinion, MAS touching pag ang story ay sad ang ending. Ewan ko lang, I find it more interesting to read kasi heart whelming. Masaya din naman kung happy ending pero hindi tulad ng mga sad/tragic ending mas matagal nag-stay yung feeling na mas naappreciate mo yung story. Weird anu, mas gusto ko lang talaga yung may namamatay na bida or pwede din naman na malungkot or break-up ang ending. :D

Sunday, July 8, 2012

Naisip ko lang..

Kahit gaano ako ka'strong, kahit gaano ako kasiyahing tao.. madami din akong kinakatakutan. Anu-ano ba mga yun? except sa palaka, ahas, sa dilim, sa matatas na lugar, sa tulay, sa ipis, sa karayom.. madami pa akong kinakatukan e..

1. Takot akong masaktan. Masaktan in a way na niloloko ako, na nagsisinungaling sa akin, na may tinatago sa akin, basta ayoko masaktan. Mas okay pa siguro masaktan ako physically kesa emotionally. Matagal kasi ako maka'moved on, ayoko din na nasasabihan ng sorry after akong saktan kasi wala naman ng magagawa pa yun e.

2. Takot akong maiwan. what I mean is, takot akong iwan ng mahal ko. mas gugustuhin ko pa ata na ako ang mang.iwan kesa ako ang iwanan. mas masaket kasi yun.

3. Takot din akong maniwala. hindi ko kasi alam kung totoo e, hindi ko alam pano mapapatunayan na tunay nga yun. Oo, andyan ang effort, pero may iba kasi na nag-eeffort para lang mapaniwala yung niloloko nila.


Hindi naman talaga ako strong person, nakikita at nasasabi lang nila akong ganun kasi hindi ko naiisip na may mga kinakatakutan din ako. Pero hindi nila alam, araw-araw ko sigurong iniisip kung papano na naman ako kikilos sa buong araw na di mangyayare mga kinakatakutan ko. Gusto ko laging masaya, laging nakangiti, pero sa likod naman ng mga ngiting yun umiiyak ang kalooban ko dahil sa takot.

Saturday, July 7, 2012

Nightmares?

Nightmares? hindi ko alam.. twice na akong nananaginip ng may mga dugo.. takot ako sa dugo.. sobra. Hindi ko alam ano ba ang talagang interpretation nun sa buhay ko. Sabi kasi nila, every dream has its own meaning. Yung saken kaya? natatakot ako.. hindi ko alam kung san, o bakit, basta ang alam ko lang is natatakot ako.

WTF..

Hays! Namimiss ko si BFB.. :(

Friday, July 6, 2012

HEAVEN KNOWS..

Heaven Knows.. yan ang title ng pinaka-paborito kong kanta. Bata pa lang ako, lagi ko ng naririnig yan. Ang ganda pa ng lyrics! Ewan ko ba, hilig ko mga lumang kanta kahit na '90s baby ako.


Tuwing naririnig ko yan, kahit sobrang lungkot ko bigla na lang sasaya, magkakaron bigla ng hope na "everything will be okay".. Masaya sa pakiramdam e. Pag masaya naman ako taz maririnig ko sya, lalo ako napapangiti, para kasing sinasabi saken na "just trust Him kasi, Siya lang ang nakakaalam ng mga mangyayare."


Actually, nagkaron din ng story ang kantang yan.. SECRET na yun. hehe, ayokong i'public yun.. :)

Minsan pa nga, nasabi ko na "Pag kinasal ako, gusto ko habang nagpapalitan kami ng 'I do' eto dapat ang kanta.. ayoko nung habang naglalakad ako papunta sa altar, mas bet ko kasi na 'Out of my League' ang kanta habang naglalakad ako." And, gusto ko din na pag namatay ako, eto ang kanta.. seryoso. 


Sobrang mahal ko ang kanta na toh. Eto ang link, share ko sa inyo click here .
Hope magustuhin nyo din toh :)

Thursday, July 5, 2012

She Will Be LOVED..


Wala Na..

Wala na.. siguro? hindi ko alam. Wala na yung isang best friend ko.. yung BFB ko.. nakakainis na nakakalungkot e..
Nakakainis kasi, para sa "simpleng bagay" lang nagalet na agad siya. Hindi naman kasi ganun ka'importante yun para magkaganun siya at sabihan ako ng mga masasakit na salitang yun. Worst, sabihan kang "problema" ka niya, OUCH. Sobrang sakit nun.. Oo, aminado naman ako, maarte ako, mataray, masungit, stubborn (like he always say), spoiled brat, at kung anu-ano pa.. ok lang naman sabihin saken mga yun pero yung "problema" pala ako sa best friend ko?! Dafuq. Ang alam ko kasi pag best friend mo ang isang tao, tanggap mo yung nakakainis niyang ugali. Kahit anong klaseng tao pa yan, tanggap na tanggap mo at hindi mo din siya masasabihan na "..paubos na mga taong nag aalala sayo....... sabihin mo, or walang wala na ko pakealam sayo, magkalimutan na."


Anu yan? Kelangan talaga sabihin pa yan? Anong klaseng kaibigan ka kung sasabihin mo yung ganyan? Para mo na din sinabing, "kaibigan lang kita pag positive mood ka, pero pag hindi, bahala ka sa buhay mo." 



Nakakalungkot naman kasi instead of cheering me up, e ganito pa. To the fact na he knows that I'm not feeling well and pag ganun ako moody ako saobra. Hindi na lang siya natuwa kasi kahit masama pakiramdam ko, nag'online pa din ako para makausap siya :(


EWAN KO BA.. Sobrang saket kasi ng sinabi niya.. Hindi ko na tuloy alam :(

Wednesday, July 4, 2012

SORRY..


sor·ry

[sor-ee, sawr-ee]
adjective, sor·ri·er, sor·ri·est.
1.
feeling regret, compunction, sympathy, pity, etc.: 



Ano meron sa word na yan? Ewan ko, hindi ko alam baket karamihan sa mga tao e paborito yang salitang yan. Sinasabi daw yan para sa taong nasaktan or nagawan ng mali.. 


Bakit ba nauso yang word na yan? For me kasi, wala na siyang silbi. Though nakaka-lessen ng pain pero hindi pa din nito macocover o mapapawala yung sakit na naidulot ng kasalanan na nagawa. Aanhin pa kasi yun? It already happened. Wala ng mababago kahit ilang beses ka man humingi ng tawad. Minsan pa nga, nababago pa nito ang lahat for better or for worst, swerte mo kung for the better yun.

Meron din times na ginagawa na lang din tong excuse. Iniisip kasi nila na "hayaan na, isang sorry lang naman ok na ulet." HELLO?! Hindi inimbento yun para laging pagtakpan ang mga kasalanan. Hindi siya excuse para lagi na lang tayong magkamali.




Anu nga ba talaga ang use ng word na "SORRY"? 

Tuesday, July 3, 2012

NAKAKAINIS :(

Yung feeling na hindi mo na alam ang nararamdaman mo :/ na hindi mo alam kung naiinis kba o nalulungkot.. halo-halong NEGATIVE feelings e. Ang sama sa pakiramdam, ang saket sa dibdib, nakakawalang gana.. minsan nga gusto mo na lang umiyak pero wala naman tumulong luha.. kaya mas lalong mabigat sa pakiramdam e :(
Ayoko ng ganito, well, sino nga ba may gusto ng ganito? Okay naman ako pero may times lang talaga na ganto.. na biglang mararamdaman lahat ng toh.. ang hirap..


Parang mas ok pang mamatay :(