Wala na.. siguro? hindi ko alam. Wala na yung isang best friend ko.. yung BFB ko.. nakakainis na nakakalungkot e..
Nakakainis kasi, para sa "simpleng bagay" lang nagalet na agad siya. Hindi naman kasi ganun ka'importante yun para magkaganun siya at sabihan ako ng mga masasakit na salitang yun. Worst, sabihan kang "problema" ka niya, OUCH. Sobrang sakit nun.. Oo, aminado naman ako, maarte ako, mataray, masungit, stubborn (like he always say), spoiled brat, at kung anu-ano pa.. ok lang naman sabihin saken mga yun pero yung "problema" pala ako sa best friend ko?! Dafuq. Ang alam ko kasi pag best friend mo ang isang tao, tanggap mo yung nakakainis niyang ugali. Kahit anong klaseng tao pa yan, tanggap na tanggap mo at hindi mo din siya masasabihan na "..paubos na mga taong nag aalala sayo....... sabihin mo, or walang wala na ko pakealam sayo, magkalimutan na."
Anu yan? Kelangan talaga sabihin pa yan? Anong klaseng kaibigan ka kung sasabihin mo yung ganyan? Para mo na din sinabing, "kaibigan lang kita pag positive mood ka, pero pag hindi, bahala ka sa buhay mo."
Nakakalungkot naman kasi instead of cheering me up, e ganito pa. To the fact na he knows that I'm not feeling well and pag ganun ako moody ako saobra. Hindi na lang siya natuwa kasi kahit masama pakiramdam ko, nag'online pa din ako para makausap siya :(
EWAN KO BA.. Sobrang saket kasi ng sinabi niya.. Hindi ko na tuloy alam :(
No comments:
Post a Comment