1. Takot akong masaktan. Masaktan in a way na niloloko ako, na nagsisinungaling sa akin, na may tinatago sa akin, basta ayoko masaktan. Mas okay pa siguro masaktan ako physically kesa emotionally. Matagal kasi ako maka'moved on, ayoko din na nasasabihan ng sorry after akong saktan kasi wala naman ng magagawa pa yun e.
2. Takot akong maiwan. what I mean is, takot akong iwan ng mahal ko. mas gugustuhin ko pa ata na ako ang mang.iwan kesa ako ang iwanan. mas masaket kasi yun.
3. Takot din akong maniwala. hindi ko kasi alam kung totoo e, hindi ko alam pano mapapatunayan na tunay nga yun. Oo, andyan ang effort, pero may iba kasi na nag-eeffort para lang mapaniwala yung niloloko nila.
Hindi naman talaga ako strong person, nakikita at nasasabi lang nila akong ganun kasi hindi ko naiisip na may mga kinakatakutan din ako. Pero hindi nila alam, araw-araw ko sigurong iniisip kung papano na naman ako kikilos sa buong araw na di mangyayare mga kinakatakutan ko. Gusto ko laging masaya, laging nakangiti, pero sa likod naman ng mga ngiting yun umiiyak ang kalooban ko dahil sa takot.
No comments:
Post a Comment